Wednesday, December 29, 2010

fussiness

the past few days, nagkakaron ata ng habit si pistoy... pag nagigising sya sa madaling araw, iyak nang iyak! pinakain mo na, pinalitan ng diaper, pinaburp, hindi naman sya naiinitan or nalalamigan, pero basta iiyak lang sya. gusto nyang karga at sinu-sway. pag ako ang may hawak, ginagawa nya kong pacifier. he will latch on, pero he will stop after taking 3-5 sucks. nakasalpak lang boobs ko sa kanya, until makatulog na sya. pag ilalapag ko na, iiyak na naman, and the cycle continues.

i wish kids come with a checklist. yung mga usual na causes ng iyak nila. so far, we've identified the following:
-gutom
walang tigil ang iyak nya pag gutom, and you can see him turning his face sideways at nakanganga. parang naghahanap ng nipple.

- dirty diaper
ayaw nyang may poop or pee. unlike some kids who can sleep through wet diapers, pistoy won't.

- gas
eto pinakamahirap hulihin. mr.co-creator noticed na pag may gas si pistoy, naka-straight yung legs nya habang umiiyak. ang remedy: pa-burp, mylicon, manzanilla, pa-dapa.

- init/lamig
tuluy-tuloy din ang iyak nya. mr.co-creator tests this by staying in our room (usually warmer dahil carpeted), then lalabas sya sa sala (usually colder dahil tiled ang lapag). pag tumigil, we adjust the thermostat sa room (or sala, kung saan sya nag-i-stay) or change his clothes or swaddle him.

- topak
eto ang weird, minsan wala lang, gusto lang nyang nakakarga. gusto nyang sinu-sway. may computer chair kami dito sa bahay, so minsan umuupo ako don with the boppy pillow, tapos swing lang ako from side to side. minsan alam nyang nakaupo, minsan nagogoyo ko sya. hehehe!

ang hirap pala pag fussy ang baby. sabi naman nila, you can't spoil the baby within the first 3-4 months, so it's ok to hold them pag umiiyak. wag lang sana madevelop yung association ng karga+sway sa pagtulog.

btw, we switched his formula from the regular to the lactose-free one. akala kasi namin, yung regular formula ang nagko-cause ng fussiness nya. i guess hindi. kasi fussy pa rin sya. hehehe!

it gets kinda frustrating pag madaling araw, tapos kulang ka sa tulog or antok na antok na, tapos iyak nang iyak ang bata and you don't know why. tapos you tried everything and iiyak pa rin sya. parang gusto ko na lang syang sabayan ng iyak minsan. hehe! i know mr.co-creator feels the same way din minsan. mas naaawa ako for him kasi pumapasok na sya sa trabaho this week. at least ako pwede akong matulog sa tanghali or hapon pag sila mama ang nag-aalaga. si je, he needs to be awake and functioning sa trabaho the next day.

sana matapos na ang pagiging fussy ni jecobie. sabi nila mama, it will get better pag nakakakita na sya. sana nga. in the meantime, i'm trying to read through some advise na iwasan ang certain foods while breastfeeding dahil baka naipapasa ko sa kanya and he can't digest it well pa.

i'm cutting out dairy, nuts, and caffeine from my diet. no more cheese, milk, cream, chocolate, coffee (kahit decaf pa), tea (besides the malunggay tea every other day siguro), cabbage, beans, brocolli. ano pa bang dapat kong alisin sa diet ko? hay. pistoy, wag na wag kang sasagot sa mommy't daddy mo paglaki mo! makikita mo talaga! =P

5 comments:

  1. hahaha asa ka pa. si tsug nga halos lahat ng hirap naranasan ko eh.. ngayon ang favorite word is 'ayaw' LOL.

    lahat ng babies ayaw ng maruming diaper noh. they like to poop pa pag kakapalit mo lang! wahaha. sabi ng opismeyt ko, kasi tayo rin naman daw, we dont want to pee sa dirty toilet diba haha.

    ako naniniwala talaga akong sa theory na babies are born na with a certain temperament.. meh baby talagang madaling alagaan, meron namang super arte. si tsug din, nakakaramdam ng altitude lol. dapat laging mataas! at meh angle pa! away from your body! powtek ang saket sa braso.

    the books are on their way na pala! hope makarating na seyu. i'm reading toddler 411 eh (sequel sa baby 411), laking tulong saken ngayon.

    ReplyDelete
  2. thanks thanks in advance gewi! =)

    i feel better na karga at sway (pa) lang ang gusto ni pistoy. pag may anggulo pa, nakow, umiyak na lang sya. hehe!

    ReplyDelete
  3. nung inuwi namin si eidan.. ganun din.. he wouldnt want to sleep on his bed.. dapat lagi namin syang karga.. oneal and i would sleep sa lazyboy namin para lang hawak namin sya while sleeping (sasabayan na din namin ng tulog habang hawak sya. .hehe)..

    pwede lang kaming umupo pag tulog na sya sa arms namin else malalaman nya na di na kami nakatayo at niloloko namin sya.. hahaha!

    now he sleeps in his bed.. as long na lashing na sya pag binaba namin and nakaswaddle all the time.. any movement from his arms or legs would wake him up..

    for gas naman.. gumamit din kami ng mylicon.. also may certain tummy massages na specific for helping infants with that.. =) eto yung iba na tinuro sa pmin sa PT - http://www.youtube.com/watch?v=cIdN_-uh0qU&feature=related

    ReplyDelete
  4. good luck harbs, kaya mo yan. :) minsan ako din umiiyak na lang dati kasabay ni nathan kapag pagod na pagod na ko at di ko na alam baket pa sha umiiyak.

    well, ako naman dati sabi ko hirap na hirap ako mag alaga sa anak ko tapos pag laki maiinlove lang sa kung sinong babaeng ewan, di talaga ko payag. hehehe

    ReplyDelete
  5. thanks for the link janey. ganon nga tinurong hilot ni mama eh, with manzanilla. hehe! i'll check the other vids.

    @erlyn, nakow, patay tayo dyan! =P baka maging pari si nathan!

    ReplyDelete