Thursday, April 28, 2011

yearning for lolo-papa and lola-mama

last night, at around 7pm, jecobie had another one of those crying spells. wala namang masakit sa kanya, kaka-dede pa lang, kapapalit ng diaper, wala namang kabag. di ko na talaga alam kung anong gusto nya.

je brought him sa kuwarto nila mama. hiniga sa kama nila. then nilabas ang huling sandata namin... tshirt na sinuot ni mama at papa. =) as soon as nilapag ni je sa magkabilang side ni pistoy yung 2 damit, sinubsob ni pistoy yung mukha nya sa mga tshirts, salitan. tapos instantly din tumahimik! then nalasing na sya sa antok, pero ayaw nyang bitawan yung mga damit. tapos inaamoy-amoy pa rin nya. =(

it was heartbreaking to watch. =( you can see the eagerness in him to be with papa and mama. he misses them so much!

sa sobrang awa ko kay pistoy, naiyak na lang ako. after a few more minutes, i composed myself, lied down beside jecobie, at pareho kaming nakatulog.

when will it get better for him?

nakausap ko si mama later that night, at pati si mama naiyak din. sobrang attached kasi ni pistoy kina mama't papa eh. i won't be suprised kung sa isip ni pistoy, sila ang parents nya. kasi sila ang mas matagal kasama nung last month before they left. pumapasok na kasi kami ni je non. tapos yung mga oras pa na kasama sila, mga waking hours ni pistoy.

hay jecobie. konting intay pa, nagrerenew na ng visa ang lolo't lola. =)

breaking the routine

it's ONLY been 12 days since mama and papa flew out of FL. pero it already felt like a month!

je and i were juggling taking care of pistoy, working, taking care of the house, and all the other miscellaneous that comes with it. of course pistoy comes first, it goes without saying. kaya pansin din namin ni je yung epekto sa trabaho namin at sa bahay. it doesn't help that pistoy is a high need baby. hehe! ayan, hindi na "iyakin", "high need" na.

MWF, kasama ni je si pistoy sa office nila. pumapasok ako around 7am, so i could leave by 3:30pm, drive to je's office, pick up pistoy, go home, take care of him until umuwi si je. it sounds simple enough, right?

one of the casualties of this set up is my pumping sessions. minsan 6 hours lumilipas bago ako magpump, minsan pag di ako magising sa madaling araw, 8 hours.  pag sa office, 5 hours na yung pinakamatagal, and that's usually because may gumagamit ng medical lounge, or may meeting akong sunud-sunod. ang hirap i-timing. i'm surprised i still have some milk ngayon. it's like an unintentional weaning. hopefully di naman mabigla si pistoy pag biglang nawalan ako ng supply. sa ngayon, alternate syang 3 ounces ng formula and breastmilk.

before umalis sila mama, andami kong naka-stock na gatas kasi i can pump when i need to dahil may magbabantay kay pistoy. ngayon ibang istorya na. and the worst part is, ayaw na nyang mag-latch sa akin. naiinip na sya. =( i can still latch him on pag sa gabi or madaling-araw, pag lasing pa sya sa antok. pero sa umaga, ayaw na nya. one time na na-plugged duct ako, madaling araw na narelieve ni pistoy. ang pakunsuwelo ko na lang is hindi pa rin nya nakakalimutan pano mag-latch. hehe!

other than the pumping sessions, sleep ang isa pang bawas ngayon. dati kasi nakaka-nap ako kahit gising si pistoy. ngayon kahit tulog si pistoy, we still have lots of stuff to do kaya by the time tapos na lahat ng gawain, pagising na ang hari.

oh well. we chose this setting, so we'll really try to make it work. if push comes to shove, there's the daycare, there's my bro (until august), my lola (that will take a lot of pagsisipsip), and some relatives from NY. =)

Wednesday, April 20, 2011

stressed

i dunno if i'm just being paranoid or not... pero ever since umuwi sila mama't papa, parang mas tahimik na si pistoy ngayon. hindi sya masyadong dumadaldal lately. pati pupu nya, nadelay ng 1 araw. usually he moves once a day. nitong monday-tuesday, "pinilit" lang namin yung pupu nya by giving him more breastmilk nung tuesday, kaya by tuesday night, napupu na sya at constipated pa. =(

i think pistoy is undergoing a lot of stress right now. first off, wala sila mama't papa. then secondly, we took him sa in-laws ko nung saturday at maraming bumuhat sa kanya. siguro dapat nandun lang kami sa tabi nya kahit iba ang may buhat. kasi for him, strangers pa rin yung mga tito nya eh. then third, na-stress siguro sa change ng environment kasi sumasama na sya kay je sa office.

i dunno how i could help him. sobrang established na kasi ng routine nya everyday, tapos parang lahat yon nabago. napansin ko lang na mas masayahin sya kahapon, kasi nasa bahay lang kami. can babies develop a routine that's only for MWF, then another routine for TThSSu? help!

the only thing we try to keep consistent, is yung sleeping routine nya. punas, palit ng damit at diaper, manzanilla, swaddle, dede. also, siguro habang medyo nag-a-adjust pa sya, we're gonna try to be home by his bedtime. mukhang na-shock yung system nya nung saturday dahil inabot sya ng antok sa ibang bahay. one at a time nga naman sana ang  pag-adjust sa kanya. lahat naman naaaral nya eh. like yung car seat, ngayon di na sya sobrang nagwawala. pag nakahinto na lang. hehe!

hay pistoy. i'm so sorry you have to undergo this kind of stress. if mommy or daddy is just staying at home with you, you can follow your daily routine talaga. *sigh* i sure hope it gets better.

Sunday, April 17, 2011

epic cry

i've never heard pistoy cry as hard as he did today (tonight, actually).

yesterday, mama and papa left for NY na. the first 24 hours without them at home is pretty much smooth sailing. pistoy slept well last night, woke up sa usual oras, behaved sa pagligo, had a long nap nung tanghali, behaved pa nga sya sa simbahan eh. umiyak lang sandali nung nag-stop by kami sa aldi's to buy fruits.

we thought ok naman sya sa adjustment na wala sila mama't papa. nung umaga, he was sort of looking around for them, pero di naman sya umiyak at naghanap. 

punta kami sa mom-in-law ko. got there at around 8pm na ata, tulog si pistoy non. nagising sya, nanood ng fishies sa aquarium, then binuhat ng mga tito nya. then at around 9pm, he started crying. nung una, akala namin dahil gutom, so pinadede. akala basa ang diaper, so pinalitan. then akala inaantok, so hinele. then akala namin dahil masakit ang tyan sa kabag, so nag-manzanilla na, and for a good measure, pinainom na rin namin ng mylicon. to try to pacify him, pina-direct feeding ko sa akin. tumahimik sandali, then iyak ulet. as a sort of last resort, i called mama sa NY and put jecobie on the other end.

tumahimik din sya, this time mas matagal ng konti. at parang nagkukuwento pa. then after a while, iyak ulet!

when we're running out of options, nilabas ni je ng bahay. tumahimik si pistoy. then sumuka. i called mama again, and she suggested na ipasok namin sa kotse para familiar surroundings ni pistoy. so nilagay ni je sa car seat, umiyak ng konti, pero tahimik na for the most part. by the time nasa kotse na kami and pulling out of the parking lot, nakatulala lang sya.

after a few more minutes, nakatulog na sya. ikaw ba naman ang umiyak ng full force, with matching scream pa talaga, for almost 30 minutes ata yon... di ka ba mapapagod non? =P

anyway, we don't know kung anong nangyari talaga. definitely hindi sya gutom, hindi basa ang diaper, walang masakit. naisip namin, baka stressed lang si pistoy kasi nga first time na hindi niya nakita sila mama't papa. tapos bed time na nya, nasa ibang bahay pa rin sya.

on our way home, tumawag ako kay mama to report na tumahan na si pistoy at pauwi na kami. then i cried. naaawa ako kay pistoy, sanay syang maraming nag-aalaga sa kanya, then biglang kaming 2 na lang ni je. *sigh*

Tuesday, April 12, 2011

4th month updates

we got pistoy a jumperoo! he looooves it! di pa nya masyadong abot yung lapag, pero pag naka-tingkayad, abot nya. di pa sya nagtatagal don, siguro 10 mins max lang tapos gusto na nyang umalis. parang pagod na. hehe!

he had the shots last April 8 friday morning, sandali lang umiyak, at hindi kasing grabe nung first time. pero nagkasinat sya until saturday night. =( sobrang tamlay nga nya nung friday eh. di masyadong pumapadyak or nagsasalita, at medyo watery yung mata. =( binigyan namin ng Tempra from pinas. ngayon ok na ulet, makulit na. hehe!

we tried to start him on solids nung saturday, pero siguro dahil nga may sinat, wala sya sa mood. inupo namin sa high chair na bigay ng MIL ko, biglang umiyak! natakot ata. we tried again this morning, but he was also grumpy. then we tried again around noon, ok na sya. he took 2 baby spoonful of oatmeal cereal. nasarapan ata sya kasi ngumangasab eh. hehe!

uminom na syang tubig. water ang binigay namin after ng gamot, ininom naman. hehe! max of 2 ounces a day lang daw sabi ng pedia nya eh.binigyan ulet namin sya kanina nung kumain sya ng oatmeal cereal, and he seems to like it. sana nga masanay sa tubig. we don't plan on giving him juices kasi eh. unless siguro freshly squeezed, pag around 8 months na sya. nakakatakot lang kasi bigyan ng kung anu-ano si pistoy, kasi sensitive yung sikmura nya. kung mana sa akin, malamang acidic.

what else... uhmm, dumadapa na sya on his own, at madalas! pag nagigising sya sa madaling araw around 5am, gusto nyang pwesto is yung halos nakadapa na. parang bata na matulog si pistoy, nakatagilid. hehe!

another thing, nagtatry na syang gumapang! pero yung mukha nya ang tinutukod nya. hehehe! from dapa position, iaangat nya yung pwet nya, then kick. he will move forward a bit, pero yung face nya sumasadsad sa kama. *lol* one time he tried it several times, ang pula ng mukha nya afterwards.

at aba, ang batang ito, marunong nang tumawa at tumili! ang tipid pa rin nya sa tawa, pero may tunog na ngayon. =) sa tili naman, ewan kung saan nya natutunan yon, pero pag hindi nya agad nakuha ang gusto nya habang umiiyak, aba titili na! needless to say, i think na-exercise ang vocal cords nya sa pag-iyak nya nung ilang days old pa lang sya. hehehe!