Sunday, April 17, 2011

epic cry

i've never heard pistoy cry as hard as he did today (tonight, actually).

yesterday, mama and papa left for NY na. the first 24 hours without them at home is pretty much smooth sailing. pistoy slept well last night, woke up sa usual oras, behaved sa pagligo, had a long nap nung tanghali, behaved pa nga sya sa simbahan eh. umiyak lang sandali nung nag-stop by kami sa aldi's to buy fruits.

we thought ok naman sya sa adjustment na wala sila mama't papa. nung umaga, he was sort of looking around for them, pero di naman sya umiyak at naghanap. 

punta kami sa mom-in-law ko. got there at around 8pm na ata, tulog si pistoy non. nagising sya, nanood ng fishies sa aquarium, then binuhat ng mga tito nya. then at around 9pm, he started crying. nung una, akala namin dahil gutom, so pinadede. akala basa ang diaper, so pinalitan. then akala inaantok, so hinele. then akala namin dahil masakit ang tyan sa kabag, so nag-manzanilla na, and for a good measure, pinainom na rin namin ng mylicon. to try to pacify him, pina-direct feeding ko sa akin. tumahimik sandali, then iyak ulet. as a sort of last resort, i called mama sa NY and put jecobie on the other end.

tumahimik din sya, this time mas matagal ng konti. at parang nagkukuwento pa. then after a while, iyak ulet!

when we're running out of options, nilabas ni je ng bahay. tumahimik si pistoy. then sumuka. i called mama again, and she suggested na ipasok namin sa kotse para familiar surroundings ni pistoy. so nilagay ni je sa car seat, umiyak ng konti, pero tahimik na for the most part. by the time nasa kotse na kami and pulling out of the parking lot, nakatulala lang sya.

after a few more minutes, nakatulog na sya. ikaw ba naman ang umiyak ng full force, with matching scream pa talaga, for almost 30 minutes ata yon... di ka ba mapapagod non? =P

anyway, we don't know kung anong nangyari talaga. definitely hindi sya gutom, hindi basa ang diaper, walang masakit. naisip namin, baka stressed lang si pistoy kasi nga first time na hindi niya nakita sila mama't papa. tapos bed time na nya, nasa ibang bahay pa rin sya.

on our way home, tumawag ako kay mama to report na tumahan na si pistoy at pauwi na kami. then i cried. naaawa ako kay pistoy, sanay syang maraming nag-aalaga sa kanya, then biglang kaming 2 na lang ni je. *sigh*

No comments:

Post a Comment