Wednesday, March 30, 2011

muni-muni

i'm at work right now, pero naiisip ko si pistoy. kamusta na kaya sya?

there's one moment that keeps replaying in my head... nung one time na pauwi ako, and i'm driving the van into the driveway. nakatayo si papa sa bandang pintuan, karga si pistoy. then when pistoy saw me get off the van, nagpapadyak sya at nakangiti-nganga, with arms wide open as if to say "welcome home mommy!". =)

i wish pistoy will stay this small for a little longer. as mr.co-creator once said, he is so perfect right now. ang sarap nyang kalaro, sarap kargahin, sarap makipagkulitan. kahit iyakin sya minsan (ok, mas madalas than minsan, hehe!), still, he is sooo adorable. his pout will melt your heart. and it's like we want to take away all discomfort from him right away. hay pistoy. you got us hooked on you! =)

Monday, March 28, 2011

milestones

it's almost 2 weeks since i last posted. that means, medyo nag-pick up na ulet yung trabaho ko. hehe! anyway, just to take note of some of pistoy's latest milestones:

march 26 was the first time na dumapa si pistoy. bubuwelo nang pagkalakas-lakas, sabay igkas ng likod, turn, ayun! dati nagagawa nya pa lang is tatagilid. tapos tatamarin nang ituloy. narealize nya ata na pag inipon nya ang lakas nya, mas malayo maiikot nya. hehe!

nasa pack and play sya, dun sa bassinet level. tapos bigla na lang dumapa! he tried it several more times. naaliw din siguro sya kasi we were cheering him on. after maka-ilang dapa, napagod na. hehehe!

march 27 naman ang first laugh ni pistoy! may tunog na! napakatipid pa rin, pero nakakatawa at nakakatuwa yung mga facial expression nya at huni. we were surprised by the first time, di kami ready! si papa lang ang kalaro nya. naghuhugas ako ng bote, si mama naman nagiinternet ata, at si je naman ay tulog. biglang humagikgik! nagulat pa ko, akala ko kung sino eh. hehehe! ginising ko talaga si je so he'd witness it din. buti na lang inulit ni pistoy! mas maraming tawa yung first time, itong second parang pahirapan eh.

march 28: first day of our dry run pag umuwi na sila mama. =( pinayagan ako ng bossing ko na mag-work from home pag tuesdays. si je naman, will request for thursdays siguro. so MWF lang ang pa-praktisin namin. i woke up at 4am (pistoy decided he will pupu at that time, *sigh*), got ready by 5:30am. out of the door by 6:30am. nasa office na ko at 6:59am. hehe! then pumasok si je, kasama si pistoy. at around 4pm, umalis na kong trabaho to pick up pistoy from je's office. maulan, kaya inabot ako ng almost 1 hour to get there. pagdating ko don, si don pistoy ay sitting pretty sa bouncy chair ng anak ni eric (je's business partner). pinadede muna namin ni je, pinatulog, bago sinakay sa van.

pauwi, kami lang din ni pistoy. buti na lang tulog lang sya all throughout. nagising sya when were were about 5 blocks away from home, kasi may dumaan na ambulansya sa tabi mismo namin. hehehe! nagising ang mokong, nanglalaki ang mga mata. hehehe! sakto, pagdating sa bahay gising na sya at good mood naman.

grabe, dry run pa lang ito! pano pa pag totoo na? =P si je ang balagong, kasi sa kanya lang nagpapahele si pistoy eh. tapos sya ang nagbabantay sa office, so parang wala syang break. hehehe! good job mr.co-creator. now, who said na tapos na ang part mo almost a year ago? =P

Tuesday, March 15, 2011

"tulo-laway, lakwatsero" i mean "intsik beho"

laging napagkakamalang 8 months old si pistoy! he's close to 15 lbs now, and is around 25 inches since the last time we took measurements.

last sunday sa mass, sobrang daldal ni pistoy sa simbahan. sumasagot siya sa pari. at kung kelan naman tahimik, saka sya humuhuni. *lol* kahit na i-shush namin sya ni je, di pa nya naiintindihan yon. siguro nga akala nya nakikipag-usap pa kami eh, kaya lalo syang nagrereact. on the brighter side, at least "coo"s nya ang naririnig, hindi iyak.

last saturday, naglakwatsa kami nila mama't papa with pistoy. punta kami sa winn-dixie para mag-grocery. tapos punta kami sa target to shop. then punta kaming panera bread to have merienda. sort of himala, kasi nakapag-dine-in kami at di pa umiiyak si pistoy nung natapos kaming kumain nila mama. needless to say, we took turns sa pagkarga at pagkain. =P after panera bread, punta pa kaming walmart to pick something up.

nakakatawa si pistoy! nung papasok sa walmart, nakita nya yung big letters na sign: nanlalaki ang mga mata at nakanganga pa! *lol* sayang wala kaming dalang cam. sana ganon pa rin reaction nya next time. hehe!

tahimik lang naman sya. patingin-tingin lang. umiikot ang mga mata. lingon nang lingon, kaliwa't kanan. pero naiinip sya sa stroller. gusto nya karga habang lumilibot. sobrang usisero kasi eh, gusto nya nakikita nya lahat. pag stroller nga naman, mas maraming kisame syang nakikita. hehe!

then nung sunday, nagsimba nga kami. afterwards, punta kami sa mall. siguro na-overstimulate sya after an hour, or baka naptime nya na kasi, pero iyak na sya nang iyak. umuwi tuloy kaming maaga. i almost forgot, 1 hour na nga pala sya sa mass, kaya baka yun na yung threshold nya. pansin ko lang parang 1-2 hours lang sya sa lakwatsa, tapos dapat nap or pahinga muna bago lumarga ulet.

kiss
sana matutunan na ni pistoy ang pag-kiss. tinuturuan kasi nila mama eh. sinasabing "kiss", tapos ilalapit namin yung pisngi namin sa kanya. di naman sya umiiwas, medyo nagle-lean forward pa nga sya eh. tapos nganganga! *lol* kaya ang kiss nya, may kasamang laway and/or lungad. hehe!

speaking of laway, naglalaway na si pistoy. di namin alam kung dahil ba yon sa fist-sucking nya, or talagang malaway na ang mga 3-month-old. minsan tuloy nasasamid sya mag-isa. hehehe!

nakakaloko itong si pistoy, mahilig makipag-usap! =)

Wednesday, March 9, 2011

tre luna

happy 3rd month pistoy!

for the first time, on time ako sa pagpost ng milestone nya. kasi nasa office na ko ngayon, di na ko magugulo sa pagba-blog. hehe!

ang bilis ng panahon. parang kelan lang, ni hindi masupport ni pistoy yung ulo nya. ngayon pag dinapa mo sya, naka-taas na yung upper body nya. steady na ang ulo nya, di na masyadong magewang. hehe! pag nakahiga sya sa unan, kaya na nyang dumapa, pero pag nasa flat, medyo hirap pa sya.

marunong na syang tumili. alam nya na pag may kasamang tili ang iyak nya, mas mabilis kaming kumilos. lokong bata. hehe!

marunong na rin magpa-bubble ng laway. or maybe that's just a coincidence, pero he sure likes doing that! hehe! ilang beses nyang ginawa kaninang umaga bago ako pumasok sa trabaho. =P

big boy na si pistoy, ayaw na nya yung pagpapa-burp namin sa kanya na naka-upo sa lap. gusto nya nakatayo na sya at iniipit ang tyan sa dibdib namin. sa madaling araw nga, minsan kauupo nya lang sa lap (lasing pa kasi sa antok kaya di pa nya alam na yun yung position nya), nagbu-burp na eh. di na kailangang tapikin yung likod.

tama nga ang mga mudra friends ko. it does get better in time. mahirap lang pala talaga alagaan ang newborn up to around 2 months. pero even before tumuntong si pistoy ng 3rd month, medyo ok-ok na sya. lalo na ngayon, parang natututo na syang libanging yung sarili nya. medyo tinatry na nyang ipacify yung sarili nya.

speaking of pacify, ayaw ni pistoy ng pacifier. =P minsan sinusubukan nya muna yung tsupon kung dede ba talaga or pacifier lang. dinidilaan nya yung dulo. pag walang tumulo, itutulak nya with his dila. pero pag meron, sige, supsop! hehe!

nagsisimula nang mag-fist suck si pistoy. you can see him struggling to put his entire fist sa bibig nya. hehe! tinuturuan nga namin ng thumb lang eh, pero di pa nya magawa. maybe i'd wish na di nya talaga matutunan para walang iwe-wean. oh that reminds me, i better take a vid of that. pati nung pa-bubble ng laway nya. hehe!

almost 1 week na kong balik-trabaho. and it doesn't get any easier tuwing iniiwan ko si pistoy. just this morning. he's got his puppy eye look habang karga ni papa sa bandang pinto, watching me drive off to work. it's heartbreaking. =( his round eyes wandering to look at the trees. and then stared at the van's brake lights nung paalis na ko. medyo nakabuka pa yung bibig nya, inosenteng-inosente ang dating. hay pistoy. why do you have to be so adorable? =)

happy 3rd anak! please don't grow up too fast. mommy's not ready yet. =)

Friday, March 4, 2011

pistoy's fault

yesterday was my first day at work.

nagpaalam ako kay pistoy. kinarga ko sya, niyakap ng mahigpit, inamoy-amoy. tapos kinakausap ko pa sya kung gusto nyang sumama sa akin sa work. tapos nung binababa ko na sya sa higaan nya, bigla syang umiyak! parang alam nyang iiwan ko sya. =( tapos nag-babble pa ng "ma", habang nakasibi at nakatingin sa akin. yown, iyak ang lola nyo. =P

mr.co-creator warned me about it the night before, pero parang naisip ko parang OA naman siguro yon para maiyak ako. until it happened to me.

kanina ang second day ko, ok na ko. tulog si pistoy nung umalis ako kaya nag-kiss lang ako sabay sibat agad. baka magising pa, maiyak na naman ako eh.

hindi pa sya humahabol nang lagay na to, hirap na hirap na kong iwan sya for 8-9 hours. hay.

tinatawanan ako ni hubby je. kung asarin daw namin si mama for crying, dahil mahihiwalay kami for months or possibly years... pero ako 8-9 hours lang umiyak na. tinalo ko pa daw si mama. humphf!

my fave family picture

one day, kinarga ni je si pistoy sa carrier. nagrequest magpa-picture. then we remembered the tshirt given to me by my parents for my bday.

paglabas ng tshirt, sakto, pareho ng kulay yung suot ng baby sa tshirt ko at ni pistoy! then we pistoy's white cap. and papa lent his at-least-30-year-old Ray-Ban aviator sunglasses.

and this, is my fave family pic of us so far:

Tuesday, March 1, 2011

gigil factor

i've missed blogging pistoy's development. so far, medyo status quo naman sya.
  • 14 lbs na sya, with 1.5 weeks to go before he turns 3 months old. 
  • nasa 24 inches na sya ngayon.
  • he's sort of hiyang na sa enfamil prosobee (soy). "sort of" kasi di ko alam kung pwede na sya on formula alone. parang nako-constipate pa sya eh. or basta parang hirap sa jebs, pag mas marami syang naiinom na formula than breastmilk.
  • i'm still pumping for breastmilk. it also serves as laxative kay pistoy. =P
  • nakakakita na talaga sya. hehe!
  • at medyo madaldal na. 
pagkagising nya sa umaga, kung maganda ang gising, makikipagkwentuhan na yan sa akin. ngingiti, tatawa (nang walang tunog, pero todo-nganga, hehe!), at mumble na nang mumble. magtatanong ako, tapos magpo-pause ako. sasagot naman sya... "uuuh!", "nga", "aingk!". madami na syang sounds. marunong na rin syang sumigaw. minsan pag parang bored na sya, ang lakas ng "ngah!" nya. hehe! isa pang natutunan nya, ang tumili. juskolord. pag umiiyak sya, and he's not getting results fast enough, hahaluan nya ng tili ang iyak nya. kakaloka! =P

despite pistoy's pagiging iyakin (actually, nabawasan na sya, dramatically!), i find myself hugging him tighter most of the time. nakakagigil! hehe!

it's true. little bundle of joy. ok, maybe not so little. =)