Wednesday, March 9, 2011

tre luna

happy 3rd month pistoy!

for the first time, on time ako sa pagpost ng milestone nya. kasi nasa office na ko ngayon, di na ko magugulo sa pagba-blog. hehe!

ang bilis ng panahon. parang kelan lang, ni hindi masupport ni pistoy yung ulo nya. ngayon pag dinapa mo sya, naka-taas na yung upper body nya. steady na ang ulo nya, di na masyadong magewang. hehe! pag nakahiga sya sa unan, kaya na nyang dumapa, pero pag nasa flat, medyo hirap pa sya.

marunong na syang tumili. alam nya na pag may kasamang tili ang iyak nya, mas mabilis kaming kumilos. lokong bata. hehe!

marunong na rin magpa-bubble ng laway. or maybe that's just a coincidence, pero he sure likes doing that! hehe! ilang beses nyang ginawa kaninang umaga bago ako pumasok sa trabaho. =P

big boy na si pistoy, ayaw na nya yung pagpapa-burp namin sa kanya na naka-upo sa lap. gusto nya nakatayo na sya at iniipit ang tyan sa dibdib namin. sa madaling araw nga, minsan kauupo nya lang sa lap (lasing pa kasi sa antok kaya di pa nya alam na yun yung position nya), nagbu-burp na eh. di na kailangang tapikin yung likod.

tama nga ang mga mudra friends ko. it does get better in time. mahirap lang pala talaga alagaan ang newborn up to around 2 months. pero even before tumuntong si pistoy ng 3rd month, medyo ok-ok na sya. lalo na ngayon, parang natututo na syang libanging yung sarili nya. medyo tinatry na nyang ipacify yung sarili nya.

speaking of pacify, ayaw ni pistoy ng pacifier. =P minsan sinusubukan nya muna yung tsupon kung dede ba talaga or pacifier lang. dinidilaan nya yung dulo. pag walang tumulo, itutulak nya with his dila. pero pag meron, sige, supsop! hehe!

nagsisimula nang mag-fist suck si pistoy. you can see him struggling to put his entire fist sa bibig nya. hehe! tinuturuan nga namin ng thumb lang eh, pero di pa nya magawa. maybe i'd wish na di nya talaga matutunan para walang iwe-wean. oh that reminds me, i better take a vid of that. pati nung pa-bubble ng laway nya. hehe!

almost 1 week na kong balik-trabaho. and it doesn't get any easier tuwing iniiwan ko si pistoy. just this morning. he's got his puppy eye look habang karga ni papa sa bandang pinto, watching me drive off to work. it's heartbreaking. =( his round eyes wandering to look at the trees. and then stared at the van's brake lights nung paalis na ko. medyo nakabuka pa yung bibig nya, inosenteng-inosente ang dating. hay pistoy. why do you have to be so adorable? =)

happy 3rd anak! please don't grow up too fast. mommy's not ready yet. =)

3 comments:

  1. lalong mahirap pag nagsasalita na with matching tears.."mommy mommyyyyy" hehe

    ReplyDelete
  2. yup.. si eidan fist muna din.. kala mo naman kasya sa bibig nya.. hahahah! after a while, malalaman na nya na may fingers sya.. hehehe.. =D tapos malalamn nyang may leg foot sya.. tapos right foot.. hahaha! paisa-isa talga.. nakakatuwa yung discovery moments nila.. =D

    as far as leaving them when you're off to work.. di ko alam when that will get easier.. haaay..

    ReplyDelete
  3. i don't think it ever will, momma janey. =(

    and gewi, naku baka mas malakas pa ang iyak ko pag humahabol na si pistoy. =(

    ReplyDelete