it's almost 2 weeks since i last posted. that means, medyo nag-pick up na ulet yung trabaho ko. hehe! anyway, just to take note of some of pistoy's latest milestones:
march 26 was the first time na dumapa si pistoy. bubuwelo nang pagkalakas-lakas, sabay igkas ng likod, turn, ayun! dati nagagawa nya pa lang is tatagilid. tapos tatamarin nang ituloy. narealize nya ata na pag inipon nya ang lakas nya, mas malayo maiikot nya. hehe!
nasa pack and play sya, dun sa bassinet level. tapos bigla na lang dumapa! he tried it several more times. naaliw din siguro sya kasi we were cheering him on. after maka-ilang dapa, napagod na. hehehe!
march 27 naman ang first laugh ni pistoy! may tunog na! napakatipid pa rin, pero nakakatawa at nakakatuwa yung mga facial expression nya at huni. we were surprised by the first time, di kami ready! si papa lang ang kalaro nya. naghuhugas ako ng bote, si mama naman nagiinternet ata, at si je naman ay tulog. biglang humagikgik! nagulat pa ko, akala ko kung sino eh. hehehe! ginising ko talaga si je so he'd witness it din. buti na lang inulit ni pistoy! mas maraming tawa yung first time, itong second parang pahirapan eh.
march 28: first day of our dry run pag umuwi na sila mama. =( pinayagan ako ng bossing ko na mag-work from home pag tuesdays. si je naman, will request for thursdays siguro. so MWF lang ang pa-praktisin namin. i woke up at 4am (pistoy decided he will pupu at that time, *sigh*), got ready by 5:30am. out of the door by 6:30am. nasa office na ko at 6:59am. hehe! then pumasok si je, kasama si pistoy. at around 4pm, umalis na kong trabaho to pick up pistoy from je's office. maulan, kaya inabot ako ng almost 1 hour to get there. pagdating ko don, si don pistoy ay sitting pretty sa bouncy chair ng anak ni eric (je's business partner). pinadede muna namin ni je, pinatulog, bago sinakay sa van.
pauwi, kami lang din ni pistoy. buti na lang tulog lang sya all throughout. nagising sya when were were about 5 blocks away from home, kasi may dumaan na ambulansya sa tabi mismo namin. hehehe! nagising ang mokong, nanglalaki ang mga mata. hehehe! sakto, pagdating sa bahay gising na sya at good mood naman.
grabe, dry run pa lang ito! pano pa pag totoo na? =P si je ang balagong, kasi sa kanya lang nagpapahele si pistoy eh. tapos sya ang nagbabantay sa office, so parang wala syang break. hehehe! good job mr.co-creator. now, who said na tapos na ang part mo almost a year ago? =P
Monday, March 28, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment