Friday, March 4, 2011

pistoy's fault

yesterday was my first day at work.

nagpaalam ako kay pistoy. kinarga ko sya, niyakap ng mahigpit, inamoy-amoy. tapos kinakausap ko pa sya kung gusto nyang sumama sa akin sa work. tapos nung binababa ko na sya sa higaan nya, bigla syang umiyak! parang alam nyang iiwan ko sya. =( tapos nag-babble pa ng "ma", habang nakasibi at nakatingin sa akin. yown, iyak ang lola nyo. =P

mr.co-creator warned me about it the night before, pero parang naisip ko parang OA naman siguro yon para maiyak ako. until it happened to me.

kanina ang second day ko, ok na ko. tulog si pistoy nung umalis ako kaya nag-kiss lang ako sabay sibat agad. baka magising pa, maiyak na naman ako eh.

hindi pa sya humahabol nang lagay na to, hirap na hirap na kong iwan sya for 8-9 hours. hay.

tinatawanan ako ni hubby je. kung asarin daw namin si mama for crying, dahil mahihiwalay kami for months or possibly years... pero ako 8-9 hours lang umiyak na. tinalo ko pa daw si mama. humphf!

No comments:

Post a Comment