we got pistoy a jumperoo! he looooves it! di pa nya masyadong abot yung lapag, pero pag naka-tingkayad, abot nya. di pa sya nagtatagal don, siguro 10 mins max lang tapos gusto na nyang umalis. parang pagod na. hehe!
he had the shots last April 8 friday morning, sandali lang umiyak, at hindi kasing grabe nung first time. pero nagkasinat sya until saturday night. =( sobrang tamlay nga nya nung friday eh. di masyadong pumapadyak or nagsasalita, at medyo watery yung mata. =( binigyan namin ng Tempra from pinas. ngayon ok na ulet, makulit na. hehe!
we tried to start him on solids nung saturday, pero siguro dahil nga may sinat, wala sya sa mood. inupo namin sa high chair na bigay ng MIL ko, biglang umiyak! natakot ata. we tried again this morning, but he was also grumpy. then we tried again around noon, ok na sya. he took 2 baby spoonful of oatmeal cereal. nasarapan ata sya kasi ngumangasab eh. hehe!
uminom na syang tubig. water ang binigay namin after ng gamot, ininom naman. hehe! max of 2 ounces a day lang daw sabi ng pedia nya eh.binigyan ulet namin sya kanina nung kumain sya ng oatmeal cereal, and he seems to like it. sana nga masanay sa tubig. we don't plan on giving him juices kasi eh. unless siguro freshly squeezed, pag around 8 months na sya. nakakatakot lang kasi bigyan ng kung anu-ano si pistoy, kasi sensitive yung sikmura nya. kung mana sa akin, malamang acidic.
what else... uhmm, dumadapa na sya on his own, at madalas! pag nagigising sya sa madaling araw around 5am, gusto nyang pwesto is yung halos nakadapa na. parang bata na matulog si pistoy, nakatagilid. hehe!
another thing, nagtatry na syang gumapang! pero yung mukha nya ang tinutukod nya. hehehe! from dapa position, iaangat nya yung pwet nya, then kick. he will move forward a bit, pero yung face nya sumasadsad sa kama. *lol* one time he tried it several times, ang pula ng mukha nya afterwards.
at aba, ang batang ito, marunong nang tumawa at tumili! ang tipid pa rin nya sa tawa, pero may tunog na ngayon. =) sa tili naman, ewan kung saan nya natutunan yon, pero pag hindi nya agad nakuha ang gusto nya habang umiiyak, aba titili na! needless to say, i think na-exercise ang vocal cords nya sa pag-iyak nya nung ilang days old pa lang sya. hehehe!
Tuesday, April 12, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment