after the first test, parang di pa kami masyadong makapaniwala.
tumawag ako sa bahay and nakausap ko si eibron. ang magaling kong kapatid, binati akong "happy mother's day!". then i decided i will tell him first. i told him na wag muna magreact sa ibabalita ko, kasi nandun lang sila mama't papa sa sala, at di pa naman kasi sure talaga.
then i told him, "magiging nanay na ata ko, batiin mo kong 'happy mother's day!'". eh ang lokong si eibron sinabi ba naman "eh di happy mother's day nga!" haha! nakakatawa, gusto ko syang batukan sobra!
after a few more minutes with bron, trying to talk in puzzles, kinausap ko na si mama, na parang wala lang. hehe! i tried to be casual, and not give her any hints. then i talked to my bro again, and i told him i will call again after about an hour siguro, kasi magtetest ulet ako. if it turns out positive, sasabihin ko na kay mama. i specifically told eibron to get the camera and try to videotape mama pag sinabi na namin. pero di nya ata makita yung charger, and lowbatt na ang cam. hay nakow!
then after around 2 hours, nagtest ulet ako, positive ulet. so tumawag ulet ako sa bahay, si eibron ulet nakausap ko and i confirmed it. "positive ulet bron, magiging tito ka na!" hehehe!
tapos ginising nya sila mama, nakatulog na pala.
nung kausap ko si mama, sabi ko "magiging lola ka na, at alam kong hindi buntis si jaymie". hehe! nagising ang diwa nya! hahaha! although antok na ang boses, i can tell na nakangiti si madir on the other end of the line. hehe! at ang unang concern ni mama? ang US visa nila. hahaha! she said something like, pano yon, pwede pa bang ibiyahe yung visa namin sa December kung mag-e-expire na sa March? hehehe! my ever-always-on-top-of-things mama, jumping 7 months ahead na agad ang pagpaplano. hehe!
tapos si papa na sumunod kong kinausap. sabi pa ni papa, pinaguusapan nga nila ni mama yung comment ni eibron earlier na "eh di happy mother's day nga!". sabi daw ni mama "may narinig ako kanina ah", at shempre si pareng norbie "narinig ko rin yon!". hahaha! mga chismoso't chismosa kasi pareho eh. papa kept repeating to me, "alagaan mo ang sarili mo!". i'm suddenly that little girl again who needs to be taken care of. =)
i know my family has been waiting forever for me to get pregnant. although they always bug me, they respected our decision to plan it out. it's fun finally telling them they are gonna have their first grandchild.
nothing beats the feeling. =)
Sunday, May 9, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

i'm sure excited na sila ispoil si pistoy. lol. ganun tlga mga parents eh, lahat naiisip nila.. so ang tanong nga.. pwede nga ba nilang itravel? lol! (gusto ko rin malaman eh haha)
ReplyDeletehehe! ayon sa website ng US embassy, pwede pa nilang itravel until the expiration date talaga. if it expires on March 30, kahit na March 29 pa sila umalis, pwede. ang tanong eh kung hanggang gaano katagal yung ibibigay sa kanila ng immigration officer sa port of entry. sana around 5-6 months, para sila ang may option kung kelan nila gustong umuwi. hehehe!
ReplyDelete